Friday, August 28, 2009

What if?

I don’t know where my life is going right now. Hindi ko rin alam kung worth it pa ang ginagawa ko. I had the interview, malamang palpak siya. I didn’t like the job description, so probably na-erase na siya sa mga possible dream ko na maging Manila based. Ngaun ko na-appreciate ang work ko. I should love it. May love-hate relationship kami ng career ko. Minsan mahal na mahal ko, minsan naman gusto ko na lang itapon ang lahat at mag alsa balutan pabalik ng Pilipinas.


Sumaya ako nang may na meet na akong friends na kasing age ko. Nakikinig talaga si Lord. It has been my long time wish to have same ‘age bracket’ friends. Si Papa Jesus won’t let you down talaga. I’m trying to enjoy Thailand, every bit of it. Sana maging ok, kasi kailangan talaga kung magtatagal ako dito.


Nagkakaroon na rin ako ng what if na mga tanong katulad nang:

…what if may offer sa akin ang O&M? will I take it?

…what if bumalik ako sa pilipinas, mag-apply sa isang company duon at ma-enjoy ang social life na wala ako?

…what if ma-in love ako dito sa Thailand at biglang ipapadala ako sa ibang bansa?

…what if I do some crazy stuff na hindi ko aakalain na magagawa ko?

…what if he likes me back?

…what if sabihin ko na sa kanya na wala siyang maaasahan sa akin?


The last one, I should’ve done it long long ago. I’ll do it. Para naman may magawa akong tama at maiwasan na ang pagiging selfish.

Tuesday, August 18, 2009

how to make a resignation letter?

Naguguluhan ako sa mga opportunities na dumadaan sa akin. Kung may mag o offer sa akin ngaun ng ok na work, aalis na talaga ako dito. Kasi minsan parang hindi na worth it. If ever na mag manila base ako alam ko na bababa ng konti ang sueldo ko. Ang akala ng iba kapag nasa abroad ka ay hanep sa laki ang kinikita mo. Welsch, dun sila nagkakamali.

Ano ba ang gusto ko sa work na ito? Madami akong natututunan, nakakastay ako sa hotel na magaganda, nakakakain ako sa mga resto na hinding hindi ko titingnan kung nasa pinas ako, madami akong nakakasalamuhang tao, nakakapag travel ako at minsan may mga OT pay na talagang matutuwa ka. Kaso, parang hindi na ako masaya. Saka naiisip ko, hindi ko na maeenjoy ang kabataan ko kung patuloy pa rin ako sa work na ito. May mga perks pero ang stress sumasagad na.

Saka may mga tao na hindi mo alam kung maniniwala ka pa ba sa kanilal o hindi. Kung ganito ang corporate world sa lahat, kawawa naman ang mga empleyado. Nagpapakaalila sa wala. Para na rin ako nagsangla ng kaluluwa ko. Hindi na healthy.

May opportunity na naman na kumakaway, kung ok ang magiging estado nito baka mag-ba-bye na ako. Sana mas ok, work-wise at sa bulsa.

Tuesday, August 11, 2009

...

Goshness. Hinde pedeng mangyari yun. Naranasan nyo na ba na kalimutan ang isang tao na yun? Pero kahit sa panaginip mo, andun siya. Parang nakakaloka lang. Asa naman ako na pedeng maging kami. Kung ilalagay ko lahat dito, kulang pa ang isang araw. Ayoko rin na sa kanya ako bumagsak at alam ko na hinding hindi niya ako maiisip. Well, maiisip niya ako kung may gusto siyang sabihin na malayo sa isang romantikong scenario.

Tae. Dapat talaga hindi mangyari yun. Kaya siguro agitated ako na makahanap nang isang tao na hindi ko na siya maiisip. May isang tao na willing na gawin lahat yun, kaso wala talaga eh. Walang spark, walang kilig. Hindi ko maisip ang future na kasama ko siya. Pero yun tao na di ko makalimutan, pati yata itsura ng magiging anak namin, napipicture ko na. Morbid di ba?

Kung magkikita ulit kami, baka magpaparlor ako. Haha. Pero naman, sabi nila babae na raw ang nanliligaw ngayon, pero ayoko namang umabot sa ganun. Hopefully, mawala na lang din. Ayoko talaga, sakit sa ulot yun. O kaya iiwas na lang din ako...

Saturday, July 25, 2009

Trial run

Two weeks lang ako sa pinas at eto na naman, aalis na naman ako. Flight ko na sa Monday, at least pa-Thailand na ako. Pero medyo may qualms pa rin ako kasi nga hindi naman start-up ang gagawin ko, kundi operations and maintenance, idagdag pa ang sludge audit sa iba't ibang planta namin dun.

Medyo nalulungkot din ako kasi mag-isa lang ako. Nahihirapan ako na baka wala akong makausap na pinoy. Saka hindi rin kasi ako ang choice na pumunta talaga, kundi sapilitan lang. Nakakatakot din kasi 1st O&M ito, sabi ko nga baka make or break ng carreer ko ito. 3 mos daw kasi ang trial period then kapag nagustuhan ng client 1 year contract na.

Hopefully, magawa ko ng maayos, ma-ok sa client, hindi ako mahirapang makisama sa mga puti (it's all in the mind) at makapag-ipon ako.

Piktsur sa gilid: Ang Indonesia team, na mamimiss ko ng sobra.

Monday, June 22, 2009

Yay

Kagabi lang yata nangyari na hindi namin naisip ang trabaho, minsan kasi kahit nasa hotel kami trabaho pa rin eh. Pero masaya talaga ako at na-refresh kahit papano kahapon. Hindi kami makapag-sauna kasi tae naman ang Sheraton, ginawa itong public bath. Kumbaga, share ang mga lalake at babae sa room. Yoko na. Wag na lang. Mas ok pa rin sa Ciputra sa Jakarta dahil naka-hiwalay at kahit wala kang suot, ok lang kasi puro mga babae naman.

Nag-inom din kami ng konti at siguro bangag lang ako dahil pinatawag ko siya. Medyo selfish din talaga ako kasi nagte-take advantage ako sa situation na alam ko na gusto niya pa rin ako hanggang ngayon. April next year pa siya uuwi, gusto niya magkasama kami. Ciemps, non-committal na naman ako. Natatakot ako sa mga plano niya eh o hindi ko lang din maintindihan ang sarili ko. Lagi kong sinasabi sa kanya na hindi ko pa linya magpakasal at ayokong magpakasal kung nagkaka-inggitan lang dahil ang mga barkada namin ay kinakasal na.

Sureball na ako na hindi ko na siya mahal pero hinahanap ko pa rin yun security na andyan siya lagi para sa akin. Ang selfish di ba? Pero siguro ngaun, bibitaw na talaga ako. Pinapaikot ako ngaun ng carreer ko. Ang sabi nga ng isa kong kasamahan, kung pumasok ka d2 ng walang nobyo, medyo mahirap yan. Baka tumanda kang mag-isa kasi kinakain lahat ng oras natin ng trabaho. Welsch, meron pa rin naman siguro para sa akin hindi pa lang nagku-krus ang landas namin.

Thursday, June 11, 2009

The happier days are coming

Siemps masaya ako ngaun title na title pa lang, kasi nga ay ok na ok sa bossing ko ang kalagayan ng planta ko ngaun. Ganun yata ang buhay kapag ok ang carreer, olats ang lovelife. Pinutol ko na ang komunikasyon ko kay *insert name here* kasi nga ay wala naman talagang papatunguhan. Kaya kahit bonggang bongga ang international call or text niya, wala na talaga eh. Wala na kasi akong nararamdaman, ang lagi ko ngang sinasabi ayoko naman na magka-lovelife na pilit, gusto ko with feelings, hehe.

Anyway, uuwi ako before July 12. Hindi ko alam kung magtatagal ako o ano pa man. Hindi rin sigurado kung babalik ako sa Indonesia o ipapatapon sa Sri Lanka, China, Vietnam, Malaysia o Thailand. Sa akin lang naman, kahit saan pero pass na muna ako sa Indonesia. Masyado na akong saturated sa lugar at ngaun ang 1st year anniversary ko d2. Maawa naman sila sa akin.

O siya sige, happy anniversary na lang sa akin d2 sa Indonesia at mabuhay ang mga nagpipicture ng nakahiga.

+++

Well, masaya ako nung june 11, pero ngaun parang ndi eh. Agitated na naman ako at gusto ko ng umuwi sa pinas. Medyo nairita din ako sa comment na parang bata akong kumilos. Disclaimer sa lahat, kikilos ako sa gusto ko, dahil yun AKO. Kung kikilos ako na si Ms prim and proper hindi na ako yun. Baka ibang Anna ang kakilala nyo.

Bata pa naman ang 22 si ba? Saka kung nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko at walang nasasagasaan, ok lang naman siguro yun. Mabigat ang pakiramdam ko ngaun, siguro dahil magkakaroon na ako. Saka dumudugo ang ilong ko literally.

Saturday, May 9, 2009

Bakasyon.

Well, umuwi ako ng pilipinas, napaka-iksing panahon at naka-2 linggo na agad ako d2 sa Indonesia. Langya, parang sumakay lang ako ng space shuttle ng Star City at pinagod ang sarili ko. Wala rin naman nangyari sa bakasyon ko. Medyo nagsisi pa ako kung bakit ako umuwi. Weirdo ano? Hehe.


Trabaho na naman pagdating dito. Napapagod ako sa byahe at para na akong timang na nagche-check ng email sa celfone every 30 min yata para lang malaman kung minumura na-ve-very good na ng boss ko.


Kritikal na kasi ngaun, halos nasira na yata ang cash flow ng company namin dahil sa isang kliyente na kinikipit ang bayad. Hay naku. Pag pera ang usapan, labo-labo na ang lahat. So far, stable ang planta ko, irritable pa rin ako towards sa isang tao at nagkasakit ako. May tsismis na buntis daw ako, dahil suka ako ng suka nung nakaraang araw. Haler, ndi naman ako hermaphrodite at asa pa ako sa divine intervention. Pagod lang ako sa byahe at dala na rin ng kasibaan ko sapagkain, hindi ako natunawan.


Wala pa rin akong lovelife at kahit na anong mosyon para dito ay nanatiling BIGO. Hay naku, sabi nga ng isang kapwa blogger, mag-ipon daw kami ng limpak limpak na salapi para makabili ng lalake. Sige, gawin natin yan. Haha.